ROAD ACCIDENT | Kapitan ng barangay sa Iloilo, patay matapos mahulog ang sinasakyan nito sa bangin

Iloilo – Patay ang isang chairwoman ng Barangay sa Miag-Ao, Iloilo matapos mahulog ang sinasakyan nito sa bangin sa Barangay Cabunutan.

Sa ulat, pauwi na sana ang biktima na si Ma. Rhea Niadas ng punong barangay ng Bacolod kasama ang apat na iba pa.

Pero pagsapit sa makurbang bahagi ng daan, nawalan ng kontrol ang sasakyan at bumulusok sa bangin.


Isinugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang barangay chairwoman.

Facebook Comments