ROAD ACCIDENT | Kim Jong Un, personal na nakiramay sa pagkamatay ng mahigit tatlumpung Chinese nationals sa North Korea

North Korea – Personal na nakiramay si North Korean Leader Kim Jong Un sa Chinese Embassy dahil sa pagkamatay ng 32 Chinese tourist sa isang aksidente.

Bukod sa mga turistang Chinese, apat na North Korean din ang nasawi matapos na mahulog ang sinasakyan nilang bus mula sa tulay.

Nakipag-usap pa si Kim sa Chinese ambassador at binisita ang mga nasugatan sa aksidente.


Pinasalamatan naman ng Chinese officials si Kim sa personal na pakikiramay nito.

Facebook Comments