ROAD ACCIDENT | Kotse, bumaliktad sa EDSA Tramo, 2 sugatan

Manila, Philippines – 2 ang sugatan nang bumangga sa concrete barrier at
bumaliktad ang isang kotse sa EDSA, Pasay City kaninang madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni P02 Al Jean Paul Esguerra, pasado
alas 4 ng madaling araw kanina nang maganap ang nasabing insidente.

Bumangga ang isang Toyota Vios na may plate # ABH 8434 sa concrete
separator ng Tramo flyover, EDSA southbound.


Kinilala naman ang driver ng kotse na si Belardo Tumbaga Jr., isang Uber
partner at ang babaeng pasahero na ayaw magbigay ng pagkakakilanlan na
kapwa dinala na sa Pasay General Hospital.

Dahil sa aksidente, lumikha ito ng buhol-buhol na daloy ng mga sasakyan
dahil isang linya lamang ng service road ng Pasay ang nadaraanan.

Sa ngayon, base sa monitoring ng MMDA ang pinakabuntot ng trapik ay nasa
bahagi na ng EDSA, Shaw, blvd.

Facebook Comments