ROAD ACCIDENT | Tatlo patay sa banggaan ng limang sasakyan sa Argao, Cebu

64

Cebu – Patay ang tatlong tao matapos magbanggaan ang limang sasakyan sa Sitio Himombongan, Barangay Taloot Sa Argao, Cebu.

Sa ulat, pumutok ang gulong ng isang trailer truck kaya sumalpok ito sa multi-cab, closed van, SUV at isang kotse.

Sa lakas ng banggaan, patay sina Jose Aquillo Sellote, 62-anyos; Virgilla Sellote, 61-anyos at isang 4-taong-gulang na bata.

Nasa kritikal namang kondisyon ang isang 9-taong-gulang na bata na may sugat sa ulo habang inoobserbahan sa ospital ang apat na iba pang nasugatan, kabilang ang dalawang batang edad 5 at 12-anyos.

Napag-alamang taga-Minglanilla, Cebu ang mga biktima at galing sila sa outing ng pamilya.

Facebook Comments