ROAD ALERT | 3 lane ng elliptical road, isasara sa Huwebes para sa konstruksyon ng MRT-7

33

Quezon City – Tatlong lane ng elliptical road sa Quezon City ang isasara simula sa Huwebes Santo para bigyang-daan ang konstruksyon ng MRT-7.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago – kaninang alas 10:30 ng umaga ay sinimulan na nilang maglagay ng mga orange barrier sa magkabilang bahagi ng maharlika hanggang Commonwealth Avenue bilang paghahanda sa gagawing konstruksyon.

Kaya para sa mga motoristang manggagaling sa maharlika, magre-route hanggang Kalayaan Avenue papunta sa exit points ng Quezon City Circle o diretso sa Commonwealth Avenue.

Kung papunta sa Commonwealth Avenue mula Masaya Street, manatili sa right lane ng Maharlika, Elliptical Road.

Para naman sa mga magtutungo sa Visayas at North Avenue, dumaan left side ng Maharlika at right side ng Mayaman Street, Kalayaan Avenue at Elliptical Road.

Kung papunta naman sa Commonwealth Avenue pero manggagaling sa Elliptical-Kalayaan Junction, gamitin ang right lane habang left lane para sa mga papunta sa Visayas o North Avenue.

Dagdag pa ni Pialago, asahan na ang heavy traffic simula sa Lunes, April 2.

Facebook Comments