ROAD ALERT | DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong Holy Week sa Quezon City

46

Quezon City – Simula mamayang alas dose ng gabi hanggang alas-singko ng madaling araw ng Lunes April 2, sasailalim sa road reblocking ang ilang kalsada sa Quezon City.

Ito ay ang Northbound lane ng A. Bonifacio Avenue mula Dome St. hanggang Sgt. Rivera outer lane.

Southbound ng Visayas Avenue tapat ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) inner lane.

Sa EDSA, mula Bananaw hanggang P. Tuazon Blvd., first lane mula sa Center Island.

Pinaiiwas na ang mga motorista sa mga nabanggit na kalsada upang di na maabala pa sa pagbiyahe.

Facebook Comments