ROAD ALERT | Ilang kalsada sa Maynila, isasara ngayong araw

26

Manila, Philippines – Magpapatupad ng road closure at rerouting sa ilang kalsada sa Malate, Maynila ngayong araw para bigyang daan ang isang politikal na okasyon.

Ito ay dahil sa programang lalahukan ng mga miyembro ng mga Partidong Hugpong ng Pagbabago at Pwersa ng Masang Pilipino.


Kabilang sa mga isasarang kalsada simula alas-5 ngayong madaling araw ang mga sumusunod:

– Kahabaan ng San Andres Street mula Adriatico Street hanggang L.M. Guerrero Street. – Kahabaan ng Leveriza Street mula Quirino Avenue hanggang San Andres Street.

Narito naman ang rerouting scheme:
– Ang lahat ng sasakyan na manggagaling sa Roxas Boulevard at dadaan sa San Andres Street ay maaaring kumanan sa L.M. Guerrero Street. – Ang mga sasakyang manggagaling dadaan sa Leveriza Street at papunta ng San Andres Street ay maaaring kumaliwa o kumanan sa Quirino Avenue.

Facebook Comments

From Advertisers