ROAD ALERT | Ilang kalsada sa Pasig City, isasara

28

Ilang kalsada ang pansamantalang isasara sa Pasig City ngayong araw, Disyembre 7 hanggang 9 para sa ilang pagdiriwang at isang fun run.

Simula ala-1 ng hapon ngayong Biyernes, gagawing one-way ang eastbound lane ng Colonel Flores Street malapit sa Immaculate Conception Cathedral.

Magkakaroon kasi ng variety show ang simbahan bilang paunang pagdiriwang sa pista ng Immaculate Conception sa Sabado, Disyembre 8.

Simula alas-4 ng hapon naman ng Sabado, asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada bunsod ng mga aktibidad ng pista ng Immaculate Conception:

– R. Jabson Street – M.H. Del Pilar Street – Caruncho Avenue – Dr. Pilapil Street – Dr. Sixto Antonio Avenue – A. Mabini Street – P. Burgos Street – Dr. Garcia Street
Sa araw naman Linggo, Disyembre 9, magkakaroon ng temporary partial road closure sa gawi ng Asian Development Bank (ADB) mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga dahil sa fun run.
Habang idaraos naman sa hapon ng Linggo ang taunang Paskotitap ng lungsod.

Dahil dito, pansamantalang isasara ang mga kalsadang dadaanan ng parada, kabilang ang:

– Ortigas Avenue extension mula Greenmeadows hanggang Dr. Sixto Antonio Avenue – Frontera Verde road – E. Rodriguez Jr. Avenue mula Eagle Street hanggang Ortigas Avenue – Eagle Street – Dr. Sixto Antonio Avenue – Pasig Boulevard – A. Mabini Street – Plaza Rizal intersection – Caruncho Avenue – F. Manalo Street

Facebook Comments