ROAD ALERT | Kalsada patungong Southern Metro Manila at SLEX, nakakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko

29

Abiso sa mga motoristang papunta sa Southern Metro Manila at SLEX, mabigat na daloy ng trapiko ang nararanasan ngayon sa ilang kalsada.

Batay sa monitoring ng Southern Tollways, heavy traffic ang nararanasan ngayon sa Bicutan, Sucat at Alabang.

Mabigat din ang daloy ng trapiko sa south station palabas ng Alabang Zapote road.

Ayon sa Southern Tollways – volume ang sanhi ng heavy traffic lalo at long weekend at pay day ng marami kahapon.

Magaan naman ang daloy ng trapiko mula Magallanes southbound hanggang C5 maging sa northbound lane ng kalsada.

Paalala ng MMDA sa mga motorist bumyahe nang mas maaga at siguruhing nasa mabuting kondisyon ang sasakyan at maging ang sarili para maiwasan ang aksidente.

Facebook Comments