ROAD ALERT | Makati City Gov’t, magpapatupad ng traffic re-routing

23

Ipapatupad ng Makati City Government ang traffic rerouting plan para sa Undas 2018 simula Oktubre 31 hanggang Nobyemre 2.

Kasabay nito ang pagpapasara ng ilang bahagi ng mga sumusunod na kalye:

-Kalayaan Avenue – mula Zapote hanggang Nicanor Garcia
-South Avenue – mula Metropolitan hanggang J.P. Rizal
-Vito Cruz – mula South Avenue hanggang Zapote at
-Pililia St. – mula J.P. Rizal hanggang Kalayaan Avenue

Dahil dito, gagawing two way ang J.P Rizal mula Pasong Tirad hanggang Makati Avenue at sa Kalayaan Avenue mula Pasong Tirad hanggang Zapote Street.

Gagawin namang one way ang Nicanor Garcia hanggang Makati Avenue at Metro Polital Avenue mula sa South Avenue hanggang Nicanor Garcia.

Kinansela na rin ang lungsod ang number coding scheme sa Nobyembre 1 at 2 dahil holiday.

Facebook Comments