ROAD ALERT | Navotas Traffic Bureau, naglabas ng abiso sa mga motorista kaugnay sa idaraos na grand parade sa Sabado

17

Manila, Philippines – Pagpatak ng alas dose ng tanghali sa Sabado (March 17), sisimulan na ang grand parade sa Barangay Daanghari para sa selebrasyon ng kapistahan ng Sto. Niño de Passion. Ang parada ay magsisimula sa Bacog St., kakaliwa sa M. Naval St., didiretso ng L. Santos St., liliko ng Gov. A. Pascual St., kakaliwa ng Los Martires St., kakaliwa uli ng M. Naval St. at pabalik ng Bacog St. Dahil dito, asahan na anila ang pagbagal ng trapiko. Pinapayuhan ang mga motorista na planuhing mabuti ang pagbiyahe upang di na maabala pa.

Facebook Comments