ROAD ALERT | Rerouting sa pagdiriwang ng Chinese New Year bukas, kasado ng ng MPD

41

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na isasara na nila ang Reina Regente Street sa Binondo, Manila mula Soler Street papuntang Plaza Ruiz mamayang alas onse ng gabi bilang paghahanda sa Chinese New Year bukas.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, magkakaroon ng rerouting sa ilang lugar kung saan lahat ng mga sasakyan na nagmumula sa Jose Abad Santos Street ay pinayuhang kumaliwa sa CM Recto patungo sa kanilang destinasyon.

Lahat naman ng mga sasakyan na nagmumula sa Jones Bridge ay dapat kumanan papuntang Ongpin Street o kaya dumeretso papuntang Juan Luna Street patungo sa kanilang destinasyon, lahat naman na mga sasakyan na tinatahak ang Eastbound ng Soler Street patungong Plaza Ruoz ay pinayuhan na kumaliwa patungobsa Reina Regente o kaya dumeretso sa Arrangque Market papunta sa kanilang destinasyon, habang lahat naman ng mga sasakyan na tinatahak ang Westbound ng Soler Street papuntang Plaza Ruiz ay dapat na kumanan sa Reina Regente papunta sa kanilang destinasyon.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng MPD na mahigpit ang kanilang ipatutupad na seguridad sa pagdiriwang ng Chinese New Year upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa naturang selebrasyon.

Facebook Comments