ROAD CLEARING OPERATION, ISINAGAWA NG BAYAMBANG POLICE

Nagsagawa ng road clearing operation ang mga tauhan ng Bayambang Municipal Police Station sa Pangasinan bilang bahagi ng pagpapatupad sa Municipal Ordinance Number 4, Series of 2021.

Layunin ng nasabing ordinansa na regulahin ang paggamit ng mga kalsada, bangketa, tulay, parke, at iba pangpampublikong lugar sa bayan ng Bayambang.

Sa isinagawang operasyon, maayos na pinaalalahanan ng mga kapulisan ang mga motorista na iparada ang kanilang mga sasakyan sa mga itinalagang parking area upang maiwasan ang obstruction o pagsasagabal sa mga pampublikong daanan.

Bahagi ito ng kampanya ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan at matiyak ang maayos na paggamit ng mga pampublikong lugar.

Hinikayat din ang mga motorista at residente na makiisa at sumunod sa mga umiiral na ordinansa para sa kapakanan ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments