Road Clearing Program ng DILG, ipagpapatuloy pa rin

136

Magpapatuloy ang National Road Clearing Program ng Dept. of Interior and Local Government (DILG).

Sa datos ng DILG, 1,148 na Local Government Units (LGU) ang nakapasa sa validation habang 97 ang bumagsak at inisyuhan na ng show cause orders.


Ayon kay DILG Spokesperson, Usec. Jonathan Malaya, simula sa Disyembre ay magkakaroon ng quarterly validation sa mga LGU upang malaman kung sumusunod ba ang mga ito sa paglilinis ng mga kalsada at bangketa.

Hamon ngayon sa mga LGU na panatilihin ang Road Clearing Efforts.

Maglalabas ang DILG ng Memorandum Circular sa mga LGU na nag-aabiso sa kanila ng pagpapatuloy ng Road Clearing Program at quarterly validation.

Aatasan ang mga field officer’s ng DILG na magsagawa ng assessment sa performenca ng mga LGU.

Facebook Comments