ROAD CRASH | 13 sugatan sa banggaan ng truck at tricycle

15

Davao City – Sugatan ang 13 pasahero matapos banggain ng isang truck ang tricycle sa Davao City.

Batay sa mga saksi, mabilis noon ang takbo ng truck na minaneho ni Rodolfo Duran nang mabangga nito ang tricycle ni John Nathan Geolina na patawid na sana sa kalsada.

Sabi naman ni Police Chief Inspector Arquiomedes Wesley, station commander ng Calinan Police, sa lakas ng impact, nahulog ang truck sa kanal.

Anim sa mga nasugatan ay sakay ng tricycle habang pito ang sugatan sa 17 pasahero ng truck.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury and damage to property ang driver ng truck na si Duran.

Facebook Comments