ROAD CRASH | 9 patay; higit 40 sugatan sa sadyang pananagasa sa China

China – Patay ang nasa siyam na katao habang 46 ang sugatan matapos bundulin ng isang kotse sa Hengyang, China.

Tatlo sa mga sugatan ang malubha.

Sa ulat, sinadya ng suspek na imaneho ang kanyang sasakyan sa maraming tao na nasa Mijiang Square.


Hawak na ng mga awtoridad ang suspek.

Inaalam pa ang motibo ng pananagasa.

Facebook Comments