ROAD CRASH | Apat na tao, patay sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Tarlac

66

Tarlac City – Patay ang apat na tao matapos na magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Tarlac-Pangasinan Expressway sa Ramos, Tarlac.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Ayana Ranya Enrique, Cindy Enrique, Eugenio Roque at Herminigildo Roque.

Sa imbestigasyon ng pulisya , nawalan ng kontrol ang driver ng toyota innova dahilan para magpaikot-ikot ito at bumangga sa mitsubishi montero.

Nananatili naman sa ospital ang pitong iba pang pasahero na sugatan.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung sino ang responsable sa nasabing insidente.

Facebook Comments