ROAD CRASH | Dalawa, patay matapos araruhin ng isang SUV sa Kennon Road sa Benguet

Benguet – Patay ang dalawang matanda matapos silang araruhin ng isang SUV (Sport Utility Vehicle) sa Kennon Road sa bayan ng Tuba, Benguet.

Dead on the spot ang senior citizens na sina Sioning Pimiliw at Rosaline Alberto habang sugatan naman ang apo ng mga ito na sina Clara Valencia, Ian Valencia, Aedan Ruvic Viloria at ang 18-months old na baby na si Sofia Angela Carbonell.

Naghihintay ang mga biktima ng masasakyan patungo ng Baguio City nang salpukin ng SUV na may plakang AJA-5168 na minamaneho ni Bernardo Soriano.


Dead on the spot ang dalawang matanda at pagkasugat ng mga apo na sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan.

Itinakbo rin sa pagamutan ang driver na pinaniniwalaang nakatulog nang mangyari ang aksidente.

Facebook Comments