ROAD CRASH | Dalawang rider, sugatan sa aksidente sa Caloocan City

Caloocan City – Kapwa sugatan ang dalawang motorcycle rider matapos magkabanggaan sa kahabaan ng Langit road na sakop ng Barangay 176 sa bahagi ng Bagong Silang, Caloocan.

Kwento ng rider na si Bong Ferrol, binabagtas niya ang Langit road matapos siyang bumili ng bulalo. Dito na dumating ang humaharurot na si Jessie Reyes, dahilan upang magkabanggaan ang motor ng dalawa.

Tumilapon si Ferrol, habang nagpaikot-ikot naman ang kanyang motor hanggang sa bumangga ito sa isang tricycle.


Mas malala naman ang natamong pinsala ni Reyes na dalawang beses nagsuka ng dugo.

Hinala ng mga otoridad, nakainom si Reyes.

Kapwa walang helmet ang mga rider na isinugod sa ospital ng rumespundeng rescue team.

Facebook Comments