ROAD CRASH | Isa patay sa banggaan ng pedicab at taxi sa QC

Quezon City – Patay ang isang lalaki matapos mabundol ang kanyang pedicab ng isang taxi sa Quezon City.

Kinilala ng Quezon City traffic sector ang biktima bilang si Felix Rino, 54-anyos.

Batay sa imbestigasyon, binabaybay ng taxi ang Agham road papuntang North Avenue nang mabangga nito ang likuran ng pedicab ni Rino.


Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon si Rino at tumama ang ulo sa kalsada.

Hawak ng mga awtoridad ang taxi driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Facebook Comments