ROAD CRASH | Lalaki, patay sa nangyaring banggaan ng cargo truck at motorsiklo sa Isabela

Isabela – Patay ang isang lalaki sa nangyaring banggaan ng cargo truck at motorsiklo sa Macalaoat, Cabatuan, Isabela.

Nakilala ang nasawing biktima na si Ronald Marcos, na residente ng Saranay, Cabatuan.

Sa ulat, sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktima nang mag-overtake ito kung saan nakasalubong niya ang cargo truck na minamaneho ni Reynaldo Urbano.


Dead on arrival sa ospital si Marcos dahil sa malalang sugat sa kanyang katawan at napag-alaman na nakainom ito ng alak.

Kusa naman sumuko sa mga pulis ang driver ng truck at iginiit na wala siyang kalasanan sa insidente.

Facebook Comments