Nagpapatuloy ang isinasagawang road construction at elevation projects sa mga pangunahing kakalsadahan ng Dagupan City.
Binuksan na rin muli para sa mga motorista ang dalawang lane sa bahagi ng Perez Blvd – Guilig sa Dagupan City.
Sa mga nakalipas na araw, nakaranas ang mga motorista ng mabigat na daloy ng trapiko sa naturang bahagi.
Kabilang sa proyekto ang drainage upgrade sa mga sinesementong bahagi na makakatulong upang maibsan ang problemang pagbaha lalo ngayong idineklara na ang panahon ng tag-ulan.
Samantala, nagpapatuloy pa ang iba pang mga road constructions sa mga major thorough ways at barangay roads sa lungsod hanggang sa kasalukuyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments