ROAD PROJECT SA AGNO NA PINATIGIL UMANO NG ALKALDE, PINABULAANAN

Nilinaw ni Agno Mayor Gualberto Sison na wala itong kinalaman sa pagkakaantala ng isang road project sa Ampi Magsaysay Road taliwas sa kumakalat na isyung pinatigil niya umano ito.

Sa facebook post ng alkalde, sinabi nitong suportado niya ang mga ipinapatupad na proyekto mula sa national government dahil inilaan ang mga ito sa ikabubuti ng mga residente.

Bagaman hindi mismong tinukoy ng alkalde ang dahilan ng pagkakaantala ng proyekto, ilang residente ang nagsabing dahil umano ito sa masasagasaang lupa na kinakailangan pang asikasuhin ang kompensasyon.

Sa kabila nito, apela naman ng ilang residente ang pagsasaayos rin ng kakalsadahan sa iba pang barangay.

Hinimok ng opisyal na maging mapagmatyag at labanan ang fake news sa kabila ng pagsulpot ng mga hindi mapagkakatiwalaang sources. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments