ROAD RAGE | Traffic enforcer, patay nang barilin ng nakaalitang motorista

Laguna – Patay ang isang traffic enforcer matapos barilin ng nakaalitan nitong motorista sa San Pablo City, Laguna.

Kinilala ni PNP Calabarzon-Public Information Office Superintendent Chitadel Gaoiran ang traffic enforcer na si Manuel Riazo.

Alas 8:00 kaninang umaga nang mangyari ang insidente sa Regidor Street, Barangay VII-E.


Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead-on-arrival.

Nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang suspek.

Inaalam na rin ng pulisya kung bakit nagkainitan ang dalawa.

Facebook Comments