Road reblocking at repair, ikakasa ngayong weekend

25

Inaabisuhan ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang publiko kaugnay sa isasagawang road reblocking and repair sa weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsasagawa ang DPWH ng pagsasaayos ng mga lansangan simula alas 11:00 mamayang gabi.


Tatagal naman ang pagsasaayos hanggang May 17 o sa Lunes.

Ang mga sumusunod ang mga kalsadang apektado ng road reblocking at repair:

1. EDSA (Northbound) malapit sa corner Kaingin Road, Quezon City, northbound

2. EDSA (Southbound), sa kabila ng Trinoma Mall, second lane mula sa sidewalk, southbound



3. EDSA (Southbound), Cloverleaf, EDSA (SB) hanggang A. Bonifacio Avenue, first lane mula sa sidewalk

4. C5 Road, Before M. G. Dizon (Cliff Drive) St., second lane mula sa sidewalk


5. C5 Road, bago ang Magsaysay (third lane mula sa sidewalk)

6. West Avenue, Times Street hanggang Quezon Avenue, first lane mula sa sidewalk.

Samantala, pinaiiwas muna ang mga motorista sa mga nasabing kalsada at dumaan sa alternatibong ruta.

Facebook Comments