Road-reblocking sa ilang bahagi ng EDSA sa Quezon City at Roxas Boulevard sa Maynila, ipapatupad

36

Isasailalim sa road-reblocking ang ilang bahagi ng EDSA sa Quezon City at Roxas Boulevard sa Maynila mula mamayang gabi hanggang Linggo ng gabi.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways o DPWH, isasara ang bahagi ng EDSA Northbound mula Aurora Blvd. hanggang New York St. sa Cubao Quezon City habang sa Southbound naman ay ang ilang bahagi mula Tuazon St. hanggang Boni Serrano Avenue sa Mandaluyong City.


Sa A. Bonifacio Avenue naman, isasara ang 3rd lane ng bahagi ng J. Manuel St hanggang Sgt. Rivera St.

Apektado rin ng reblocking ang corner Maharlika lane sa Elliptical Road at Diversion Road hanggang Samonte St. ng Westbound General Luis St.

Sa Roxas Blvd. naman, isasara din sa mga motorista ang P. Ocampo St. Maynila at EDSA Pasay Northbound.

Facebook Comments