Nagpapatuloy ang isinasagawang pag-iinspeksyon ng Regional Law Enforcement Services Region 1 sa mga kakalsadahan sa Ilocos Region alinsunod sa inilunsad na Anti-Colorum Campaign ng Land Transportation Office o LTO.
Target ng naturang kampanya ang mga colorum na mga sasakyan na walang mga permit kasunod ng adhikaing mapababa ang banta ng anumang unregistered public transport.
Bukod sa layunin nitong masiguro rin ang kaligtasan sa mga kakalsadahan, saklaw din nito ang pagtiyak sa pagtalima sa mga safety standards at road worthiness, pagpapaalala ng mga kinakailangang mga dokumento tulad ng vehicle registration, driver’s license at iba pa.
Inaasahang mas paiigtingin pa ang road inspection upang matututukan ang sitwasyon sa mga kakalsadahan maging ang seguridad ng mga pasahero sa Rehiyon Uno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments