ROAD SAFETY KONTRA MABILIS AT MAINGAY NA MUFFLER, TINUTUTUKAN SA SAN NICOLAS

Tinututukan ngayon sa San Nicolas ang isyu ng mga mabibilis na nagpapatakbo ng sasakyan at paggamit ng maiingay na tambutso sa mga kalsada ng bayan para sa kaligtasan ng mga residente.

Sa pagpupulong katuwang ang Land Transportation Office Rosales District, tinalakay ang pagpapatupad ng speed limit sa mga matataong lugar tulad ng mga paaralan, kabahayan at iba pang lansangan.

Kabilang din ang pagtatalaga ng paggamit ng speed guns at decibel meters upang matukoy ng mga traffic enforcers ang mga tambutsong lumalagpas sa itinakdang lebel ng ingay, alinsunod sa lokal na ordinansa na nagbabawal sa maiingay na muffler.

Kaugnay nito, nakatakdang maglalagay ng road signages at materyales ang lokal na pamahalaan upang ipagbigay-alam sa mga motorista ang kaukulang traffic offenses. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments