ROADWORTHINESS | Mahigit 100 provincial buses, hindi pinayagang bumiyahe ng DOTr

30

Manila, Philippines- Aabot sa mahigit isang daang (100) provincial bus ang hindi pinayagang makabiyahe ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Holy Week.

Sa interview ng RMN kay Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Head Tim Orbos, ito ay mula pa nang magsimula ang kanilang pag-iinspeksyon noong nakaraang linggo sa iba’t ibang bus terminals.

Bukod sa road-worthiness ay mahigpit din aniya nilang binabantayan ang mga kolorum na bus na magtatangkang bumiyahe.

Muli ring nagpaalala si Orbos sa mga operator at driver na ugaliing i-double check ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe para maka-iwas sa anumang aksidente.

Paalala pa ni Orbos, dapat ay nasa tamang kondisyon din ng pag-iisip at pangangatawan ang mga driver.

Facebook Comments