Robbery- holdup, naganap sa Daraga Albay

119

Albay, Philippines – Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang theft and robbery section sa ilalim ng Daraga PNP.

Ito ay matapos na manakawan ang Bicol adventures na isang travel agency sa lalawigan ng Albay.


Batay sa ulat, ang mga suspek ay dumaan sa walk-in process ng naturang establisyimento at nagdeklara ng holdup.

Tinatayang nasa 150,000 pesos ang natangay ng mga salarin mula sa vault nito.

Sa ngayon ay patuloy ang follow-up operation para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
DZXL558, Leo Barcellano

Facebook Comments