Robin Padilla, dismayado sa kumakalat na death hoax tungkol sa kanya

86

Dismayado ang mag-asawang Robin at Mariel Padilla matapos kumalat ang balitang pumanaw na ang aktor.

Ipinost ng 50-year-old action star sa kanyang Instagram ang screenshot ng litrato na may nakalagay ng taon ng kanyang kapanganakan at kamatayan.


Nakalagay rin dito na nakikiramay sila sa mga naiwang pamilya ng aktor.

Sinagot naman ni Robin ang death hoax na ito sa pamamagitan ng panalangin at sinabing ipagpapasa-Diyos na lamang niya ito.

Nabatid na una nang dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang aktor noong 2016 sa kaparehong insidente pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong resulta.

Facebook Comments