Robin Padilla, nilinaw ang opinyon tungkol sa pambababae at tukso

31

Dumipensa ang aktor na si Robin Padilla matapos na mabatikos dahil sa naging pahayag nito na normal sa kalalakihan, lalo na sa mga nasa showbiz, na mambabae.

Sinabi ito ni Robin sa vlog ni Ogie Diaz noong Hulyo, kung saan niya kinumpirmang hiwalay na ang anak niyang si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica dahil sa third party.


Sa vlog ng asawang si Mariel Rodriguez, tahasang pinagpaliwanag si Robin tungkol sa sinabi nito na mahirap para sa mga lalaki na umiwas sa tukso.

Say ng aktor, palaging may tukso sa buhay pero hindi naman niya ibig sabihin na lahat ng tao ay nahuhulog dito.

Banat ni Robin sa netizens, intindihin muna ang kanyang punto bago siya husgahan.

Facebook Comments