Robredo, nagpaabot ng goodluck wish sa Gilas Pilipinas

Nagpaabot ng “goodluck wish” si Vice President Leni Robredo para sa nalalapit na laban ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa China.

 

Ayon sa Bise Presidente, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na siya sa pagpupursige ng Gilas na makapasok sa FIBA.

 

Ikinatuwa rin ni Robredo ang personal na panonood ni Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging laban ng Gilas kontra Italy.


 

Aniya, tiyak na makapagpapataas ito sa morale ng national team.

Facebook Comments