Rocco Nacino, masaya sa naging closure nila ng dating girlfriend na si Lovi Poe

139

Manila, Philippines – Nagkaroon na ng closure ang sina Rocco Nacino at Lovi Poe.

 

Ayon kay Rocco, nagkaroon sila ng pagkakataon ni Lovi na pag-usapan ang kanilang naging relasyon, ang pagbe-break up at ang pagmove-on.

 

Sinabi pa ni Rocco na inabot sila ng madaling araw ni Lovi nang balikan ang mga nangyari sa kanilang relasyon partikular kung ano ba ang naging dahilan nang kanilang paghihiwalay isang taon na ang nakakalipas.

 

Matapos ang kanilang pag-uusap ipinabatid ni Rocco na gumaan na ang kaniyang pakiramdam at nawala na ang ilang niya kay Lovi.

 

Ang pag-uusap nila ay nangyari sa restaurant na pag-aari ni Gabby Eigenmann na kapwa naging co-star nila ni Lovi sa isang teleserye noong 2015.



Facebook Comments