Rohingya refugees, inalok ng Filipino citizenship ni PRRD

Manila, Philippines – Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Filipino citizenship ang Rohingya refugees mula sa Myanmar.

Ang Rohingya ay isang Muslim Ethnic Minority Group na tumakas sa Myanmar patungong Bangladesh kasunod ng isinasagawang military crackdown.

Ayon kay Pangulong Duterte – handa niyang tanggapin ang mga ito sa bansa lalo na ang mga wala talagang mapupuntahan.


Matatandaang Abril 2018 ay inihayag ni Pangulong Duterte ang kahandaan ng Pilipinas na magbigay ng kanlungan sa mga Rohingya.

Ang United Nations at ilang western countries ay inakusahan ang Myanmar sa pagsasagawa ng ethnic cleansing, na itinanggi naman ng Myanmar.

Facebook Comments