
Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang nationwide rollout ng P20 kada kilo ng bigas para sa minimum wage earners.
Tiniyak naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na magiging self-sustaining ang programa sa susunod na mga buwan dahil sa ginagawang agricultural modernization.
Sinabi naman ni Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na Labor Secretary na ang pagpapalawak sa programa ay malaking tulong ito para sa mga bulnerableng sektor.
Ayon sa DOLE, nasa 120,000 minimum wage earners mula sa 500 establishments sa buong bansa ang makikinabang sa programa.
Matatandaang una nang inilunsad ng gobyerno ang “Benteng Bigas, Meron Na!,” sa Cebu noong May 1, Labor Day.