ROLLBACK | Presyo ng Diesel at Kerosene sa susunod na lingo, bababa

67

Manila, Philippines – May panibagong rollback na namang aasahan ang mga motorista sa susunod na linggo.

Pero maliit na lang ito hindi gaya nitong nakaraang walong linggo.

Maglalaro lang sa P0.10 hanggang P0.15 ang tapyas sa kada litro ng diesel habang P0.40 hanggang P0.50 sa kerosene.

Pero ang bad news, may dagdag-presyo sa gasolina na maglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.50.

Ilang araw din kasing tumaas ang presyo ng imported na langis sa world market habang hinihintay ang desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksyon.

Nitong Biyernes nang tuluyan nang nagpas ang OPEC na bawasan ng 1.2 million barrels kada araw ang oil production.

Dahil dito, posibleng sumipa ang presyo ng langis sa susunod na linggo.

Facebook Comments