Rollout ng Pfizer COVID-19 vaccine sa mga vaccination sites sa NCR, dinagsa!

30

Umabot sa halos 3,000 indibidwal ang pumila sa isang hotel sa Maynila para sa 900 doses ng Pfizer vaccine.

Ilan sa kanila, pumila pa simula hatinggabi at madaling araw, kahit alas 8:00 pa ng umaga sisimulan ang pagbabakuna.


Maging ang vaccination site sa Mandaluyong, dinagsa rin ngayong araw ng mga nais magpaturok ng Pfizer vaccines.

Ayon sa mga pumila, gusto nila ang Pfizer dahil maganda ang review rito.

Kahapon, ilang lungsod na rin sa Metro Manila ang nagsimulang magbakuna gamit ang Pfizer vaccines gaya ng Parañaque City.

Facebook Comments