Rollout ng Sputnik V vaccine sa limang lungsod ng NCR, nagpapatuloy

27

Nasa 165 health workers sa Maynila ang nabakunahan gamit ang Sputnik V vaccines.

Ayon kay Sta. Ana Hospital medical director Dr. Grace Padilla, wala silang naitalang adverse effects sa unang araw ng rollout ng Russian-made vacvine.


Aabot naman sa 2,100 na residente ang nabakunahan ng Sputnik V sa Parañaque.

Kasabay nito nilinaw ng lungsod na tanging mga residente muna na nakapagparehistro ang kanilang tuturukan.

Nagpapatuloy rin ngayong araw ang rollout ng Sputnik V sa Ospital ng Muntinlupa.

Facebook Comments