Ronald Cardema, balik muli bilang NYC Commissioner ayon sa DILG

85

Ibinunyag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Ronald Cardema muli ang Commissioner ng National Youth Commission (NYC).


Ito ang kinumpirma ni Interior Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya sa isang interview.

Paliwanag ni Malaya, ang komisyon ay sa ilalim ng DILG.

Matatandaang nadiskwalipika si Cardema bilang nominado ng Duterte Youth Party-list noong 2019 May Elections dahil sa lagpas siya sa itinakdang age limit.

Matapos ang ilang buwan na paggiit sa legalidad ng kaniyang congressional bid sa Commission on Elections (COMELEC), binawi ni Cardema ang kaniyang nominasyon.

Facebook Comments