Ronald Cardema, humingi na ng tulong kay Pangulong Duterte at Korte Suprema

98

Nagpasaklolo si dating National Youth Commission Chairperson Ronald Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Korte Suprema dahil sa umano’y pangingikil sa kanya ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon.

Apela ni Cardema, tingnan ang alegasyon niyang extortion laban kay Guanzon.


Panawagan pa niya na tulungan siya at kanyang grupo na Duterte Youth dahil hindi pa anya sila umuupo ay araw-araw na umano silang inaaway ng COMELEC Commissioner.

Sinabi rin ni Cardema na hina-harass at inaatake sila ni Guanzon dahil bukod sa alegasyon, humihingi umano ang poll body official ng pera kapalit ng accreditation ng kanyang grupo.

Facebook Comments

From Advertisers