Ronnie Alonte – feeling blessed sa sunod-sunod na proyekto

489

Manila, Philippines – “Busy as bee” ang baguhang actor na si Ronnie Alonte dahil sa sunod-sunod na proyekto nito.

Noong isang taon lang nang magbida sa mga pelikulang “Vince and Kath and James” at “Seklusyon” si Ronnie na kapwa nakasali sa 2016 Metro Manila Film Festival.

At ngayong taon, isang si Ronnie sa cast ng suspense-thriller movie na “Bloody Crayons”.


Say ng aktor, super proud siya sa bago niyang movie at hindi na siya makapaghintay na mapanood ito ng kanyang fans.

Makakasama rin ni Ronnie sa nasabing pelikula sina Janella Salvador, Elmo Magalona, Sofia Nadres, Diego Loyzaga, Jane Oineza, Maris Racal, Yves Flores at Empoy.

Facebook Comments