Roosevelt Adams, maglalaro na rin sa Japan B.League

Sasabak na rin si Terrafirma Dyip small forward Roosevelt Terrence Adams sa Japan B.League.

Ito’y matapos tanggihan ni Adams ang dalawang taong contract extension sa Terrafirma Dyip at magdesisyon na maging free agent na lang.

Maglalaro ang naturang PBA player sa isang Divison 2 team sa Japan.


Bilang isang dual citizen, magiging Asian import pa rin si Adams tulad ng iba pang Filipino-American cagers na naglalaro sa Japan.

Facebook Comments