Roque, handang makipag-debate ng sabay kina Carpio at Del Rosario

131

“Two versus One”

Walang aatrasan si Presidential Spokesperson Harry Roque na anumang debate na may kinalaman sa West Philippine Sea kahit makaharap pa niya ang dalawang katunggali.


Ayon kay Roque, handa siya makipag-debate hindi lamang kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio pero maging kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Makikipagdebate si Roque sa dalawa basta mabigyan sila ng patas na oras.

Pero naglatag si Roque ng mga paksang dapat pag-usapan sa debate, kabilang na rito ang kung sino ang dapat sisihin sa pagkawala ng Panatag Shoal noong 2012.

Dagdag pa ni Roque, matutuloy ang debate kung sasang-ayon si Carpio sa mga pagbabago kung saan sa halip na si Pangulong Duterte ang kanyang makakaharap ay siya mismo ang makikipagbuno sa kanya sa debate.



Tama lamang aniya na sila ni Justice Carpio ang magharap dahil kapwa sila abogado at tagapagsalita.


Facebook Comments