Roque, hindi tatanggap ng anumang posisyon sa PhilHealth

Hindi tatanggap ng anumang posisyon sa PhilHealth si dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque.

Ayon kay Roque – sapat na para sa kanya na bantayan ang PhilHealth bilang tagataguyod ng universal health care.

Pero sinabi niya na bukas siya sa iba pang oportunidad na ibibigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Matatandaang umatras si Roque sa 2019 Senate race dahil sa iniindang karamdaman.

Si Roque rin ang nagsiwalat ng mga anomalya sa loob ng state health insurance.

Facebook Comments