Roque, isang “habitual liar” – VP Spokesperson

39

Pinasaringan ng kampo ni Vice President Leni Robredo si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ay matapos sabihin ng Malacañang official na mismo si VP Robredo ang nagtutulak na gumawa ng vaccine informercial kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa kanyang tweet, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, walang binanggit ang bise presidente na ipinu-‘push’ niyang magkaroon sila ng informercial kasama si Pangulong Duterte.

Aniya, nagsisinungaling si Roque at iginiit na sinabi ito ni Robredo.

Dagdag pa ni Gutierrez, ang mga taong nagiging “habit” ang pagsisinungaling ay hindi dapat pagkatiwalaan.

Sa prerecorded address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Roque na “nagboluntaryo” si VP Robredo na magkaroon ng informercial kasama si Pangulong Duterte.



Matatandaang si Senator Joel Villanueva ang nagmungkahing magsama ang dalawang mataas na lider ng bansa na magkaroon ng infomercial para tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa COVID-19 vaccine.


Facebook Comments