Roque, itinangging lumabag sa quarantine protocols sa isang event sa Cebu

111

Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na sinunod niya ang quarantine protocols nang dumalo siya sa pagbubukas ng paliparan sa Bantayan Island, Cebu nitong Biyernes.

Ito ang pahayang ni Roque matapos kumalat ang kanyang litrato na nagtatalumpati sa malaking madla kung saan nabalewala ang physical distancing.


Ayon kay Roque, ang local government ang nag-organisa ng event at wala siyang kontrol bilang guest.

Iginiit ni Roque na sumunod siya sa physical distancing, hindi siya nakipagkamay kahit kanino at nakasuot siya ng face mask.

Aniya, nasupresa siya dahil maraming tao ang pumunta sa event, maging ang local government ay hindi inaasahan ang dami ng mga taong pupunta.

Muling nagpaalala si Roque sa publiko na sundin ang minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.




Facebook Comments