
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang matagumpay na rotation and reprovisioning (RORE) mission ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon sa DFA, walang nangyaring untoward incidents sa naturang RORE mission kahapon.
Kaugnay nito, pinapurihan ng DFA ang mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na nagsagawa ng naturang misyon.
Sinabi ng DFA na ito ang ikalimang RORE mission sa ilalim ng kasunduan ng Pilipinas at China kaugnay ng principles at approaches sa pagsasagawa ng RORE missions sa Ayungin Shoal.
Ayon sa DFA, nangangahulugan lamang ito na mahalaga ang epektibong diplomasya sa mga usapin sa West Philippine Sea.
Facebook Comments