ROS, nasungkit ang unang panalo sa semifinal series ng PBA Philippine Cup

24

Nasungkit ng Rain or Shine Elasto Painters ang unang panalo sa best of seven semifinals ng PBA Philippine Cup.

Ito ay makaraang mapataob ng Painters ang Magnolia Hotshots sa iskor na 84-77.

Itinanghal bilang best player of the game si Javee Mocon na may 15 puntos at 10 rebounds.

Ayon kay ROS coach Caloy Garcia – mahalaga ang unang panalo at iniisip na nila ang susunod na laban.

Facebook Comments