Roxanne Allison Baeyens, wagi sa Miss Earth Philippines 2020 virtual coronation

108

Kinoronahan sa first-ever virtual coronation ng Miss Philippines Earth 2020 ang 23-years old at tubong Baguio City na si Roxanne Allison Baeyens.

Nangibabaw ang sagot ni Roxanne sa final question na “What important quality should a leader display amidst a pandemic?”


Sagot ni Roxanne, dapat magkaroon ng green thumb ang isang leader at isulong ang urban agriculture lalo’t may kakulangan ng pagkain ngayong may pandemya.

Itinanghal din bilang sina:

– Miss Eco Tourism: Ilyssa Mendoza ng Melbourne, Australia.

– Miss Earth Philippines Fire: Shane Tormes ng Atimonan, Quezon.

– Miss Philippines Water: GIanna Llanes ng Mandaluyong City.




– Miss Philippines Air: Patrixia Santos ng Daraga, Albay.

Sa lahat ng mga national beauty pageant, ang Miss Philippines Earth ang kauna-unahang nagdaos ng virtual coronation dahil sa Coronavirus pandemic.

Kaya announcement lamang ng winners ang nangyari at walang aktuwal na pagsasalin ng korona sa mga nagwagi.

Facebook Comments